^

PSN Palaro

Iranian rider sa stage 1

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinatotohanan ni Rahim Emami ang pagkakalagay ng Azad University ng Iran bilang paborito sa 2011 Le Tour de Filipinas nang mapagharian nito ang Stage 1 na isang criterium race na nagsimula at nagtapos sa Rajah Su­laiman, Roxas Boulevard.

Ibinuhos ng 29-anyos na si Emami na sa nagdaang Tour de Langkawi ay lumabas bilang pinakamahusay na Asian rider, ang lakas sa ikaanim at huling ikot upang balewalain ang hamong hatid ng mga 7-Eleven riders na sina Lloyd Lucien Reynante at Ericson Obosa.

Inakala ng mga nagsipanood sa unang yugto sa apat na lap na karerang handog ng Kia Motors katuwang ang Air21 at Smart na isang Pinoy ang mananalo sa 67.2 kilo­meter na karera nang kunin na ni Reynante ang liderato sa huling ikot.

Pero nagpadehado lang pala si Emami dahil sa hu-ling 500m ay bumulusok ito upang makalayo ng halos da­lawang gulong agwat sa pangalawang pangkat na pina­munuan ni Obosa.

May isang oras, 28 minuto at 32 segundong tiyempo si Emami para sa limang segundong layo sa siyam na iba pang siklista na pumangalawa sa 1:28:37 oras.

Pero si Obosa ang nakasungkit ng ikalawang puwesto habang si Hamid Shiri Sisan ng Suren Cycling team ng Iran ang umokupa sa ikatlong puwesto.

“Nakalayo siya sa last 500 na lamang. Sinikap ko siyang habulin pero malayo na. Pero masaya ako sa ipina­kita ko at naniniwala akong palaban ang team namin,” wika ng 30-anyos na si Obosa na dating Sprint King sa ka­rerang suportado ng Padyak Pinoy.

Maging si Reynante, na pumangalawa sa individual sa nagdaang edisyon ay tiwalang makakabawi sila lalo na sa Stage 2 na isang 153.6 kilometer na karera mula Balanga, Bataan hanggang Iba, Zambales.

“Sa akin kasi ang Stage 2 at Stage 4 (Lingayen hanggang Baguio ) ang talagang labanan dahil maraming ahu­nan at kakain ito ng malaking oras. Ang karanasang nakuha namin sa paglahok sa Tour de Jelajah at Tour de Langkawi sa Malaysia ay magagamit namin dito,” pahayag naman ni Reynante.

Kung si Reynante ay palaban pa, ang nagdedepensang kampeon na si Irishman David McCann ng Giant Asia ay suko na.

“I’ve been sick the past two weeks because of lung infection and my chances of retaining the title is zero,” pahayag ni McCann na tuma­pos sa ika-59th puwesto, 4:11 ang layo sa nanalo.

AZAD UNIVERSITY

EMAMI

ERICSON OBOSA

GIANT ASIA

HAMID SHIRI SISAN

IRISHMAN DAVID

OBOSA

PERO

REYNANTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with