^

PSN Palaro

Texters sa game 1

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kung nagawa ng Express na makabangon mula sa isang 18-point deficit sa first half upang talunin ang Aces sa nakaraang quarterfinals series, hindi naman ito nangyari sa kanilang semifinals showdown ng Tropang Texters.

Sinandigan ang dala­wang beses nilang pagpo­poste ng isang 21-point advantage sa second period at third quarter, tinalo ng Talk ‘N Text ang Air21, 97-90, sa Game One ng kanilang best-of-five semis wars para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagtumpok si import Paul Harris ng 31 points at 13 rebounds, habang nagtala naman si Ranidel De Ocampo ng 27 mar­kers at 12 boards para sa 1-0 abante ng Tropang Tex­ters sa kanilang serye ng Express.

Ang PLDT franchise ang naging No. 1 matapos ang elimination round.

“They are one of the toughest team in the lea­gue and they have the best import in the league, but tonight we played our roles,” sabi ni Harris, na­ging bahagi sa paglilista ng Talk ‘N Text, ang 2011 PBA Philippine Cup, ng 21-point lead, 43-22, sa 7:35 ng second period.

Isang 16-4 atake naman ang ginawa ng Air21 upang makalapit sa 38-47 agwat sa 3:31 nito mula kina import Alpha Bangura, Leo Najorda, Danny Seigle at Leo Avenido.

Muling itinumpok ng Tropang Texters ang isang 21-point spread, 80-59, sa huling 1:46 ng third quarter buhat sa dalawang free­throws ni Harris hanggang muling maibaba ng Express ang naturang kalamangan sa 84-91 sa 5:20 ng final canto.

Tumipa si Harris ng dalawang sunod na basket para muling ilayo ang Talk ‘N Text sa 95-84 kasunod ang isang three-point shot ni Wynne Arboleda, jumper at split ni Bangura para idikit ang Air21, tinalo ang Alaska, 2-1, sa kanilang best-of-three quarterfinals duel, sa 90-95 sa huling 34.4 segundo.

ALPHA BANGURA

ARANETA COLISEUM

DANNY SEIGLE

GAME ONE

LEO AVENIDO

LEO NAJORDA

N TEXT

PAUL HARRIS

PHILIPPINE CUP

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with