Lady Eagles, 2 pa pasok sa quarters
MANILA, Philippines - Matapos ang Adamson University, isang koponan na naman ang napatunayang lumabag sa eligibility rule ng liga.
Binawi ng league officials ang naunang 21-25, 27-25, 25-16, 25-15 tagumpay ng Lyceum of the Philippines University sa Southwestern University noong Abril 5 dahil sa pagpapalaro kay Carla Benedicto.
Nauna nang binawi ng mga opisyales ang panalo ng Adamson University sa University of Perpetual Help-System Dalta noong Martes dahil sa paggamit kay ineligible player Faye Guevarra.
Dahilan rito, nakapasok na ang Lady Cobras sa quarterfinal round sa bisa ng kanilang 3-1 rekord sa ilalim ng Ateneo Lady Eagles na tumalo sa kanila, 25-16, 25-15, 25-15, sa Season 8 ng Shakey’s V-League kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Nagposte sina guest player Alyssa Valdez at Thai import Lithawat Kesinee ng tig-16 hits para sa 3-0 baraha ng Eagles, habang nag-ambag sina Dzi Gervacio at Fille Cainglet ng 8 at 6 points, ayon sa pagkakasunod.
Bunga ng panalong ito ng Lady Eagles, nakasungkit na rin ang Katipunan-belles ng puwesto sa quarterfinals.
Target ng Katipunan-based belles ang kanilang kauna-unahang titulo sa ligang itinataguyod ng Shakey’s Pizza at suportado ng Mikasa bilang official ball at Accel bilang official outfitter.
Tinalo naman ng Lady Altas ang St. Benilde Blazers, 25-18, 25-19, 25-19, para ibulsa ang unang quarterfinals tiket sa Group B.
May 3-0 baraha ang Ateneo sa Greoup A kasunod ang Southwestern University (3-1), Lyceum (1-2), San Sebastian College (0-1) at Far Eastern University (0-2), habang dala ng Perpetual ang 3-0 marka sa Group B sa itaas ng University of St. La Salle (2-1), Adamson (1-1), National University (1-2) at St. Benilde (0-3).
- Latest
- Trending