^

PSN Palaro

Mosley mas maganda ang kundisyon ngayon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makakapagbigay ng mas magandang laban si Shane Mosley kay Manny Pacquiao kumpara sa na­ipa­kita nito nang kinaharap si Floyd Mayweather Jr.

Ayon sa trainer ni Mosley na si Naazim Richardson, iba ang kondisyon na kinalugaran ni Mosley noong naghahanda ito kay Mayweather kumpara kay Pacquiao na siya niyang ma­kakaharap sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nauwi sa unanimous decision na kabiguan si Mosley kay Mayweather nang nagkaharap noong Mayo 1, 2010 .

Ngunit ipinunto agad ni Richardson na ang laban ni Mosley kay Mayweather ay ginawa matapos ang pa­mahinga ng 16 na buwan ng 39-anyos na boksingero kaya’t tunay na wala ito sa tamang kondisyon.

“He’s right back in the groove,” wika ni Richardson. “He’s looking a lot better. I’m getting good response from him.”

Nagsagawa nga kamakalawa ng press preview si Mosley at ipinakita niya ang ipinagmamalaking lakas na siyang tatalo umano kay Pac­quiao.

Tahimik naman si Ri­chard­son sa pahayag na ito dahil alam niya na para manalo si Mosley ay ang kampo nito ang dapat na gu­mawa ng pangontra laban sa ipakikitang husay ni Pacman.

“He punches good, he punches from the most pe­culiar angles you can thing of. You can’t practice that in the gym. Everybody’s seen what Pacquiao brings to the table. You have to find answers. All the questions are going to fall on us,” dagdag nito.

Sinusuri ni Richardson ang mga tapes ng laban ni Pacquiao pero hindi niya ito masyadong tinututukan ito, bagkus ay binabalik-balikan lamang para mas mapansin ang lakas at pagkakamali nito na kakapitalisahin ni Mosley.

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MAYWEATHER

MOSLEY

NAAZIM RICHARDSON

PACQUIAO

SHANE MOSLEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with