PORTLAND, Ore. - Tuluyan nang nakuha ng Trail Blazers ang sixth seed sa Western Conference.
“Whenever you can get through everything we’ve been through this year--the injuries and the guys out of the lineup--and still be the sixth seed feels good,” wika ni LaMarcus Aldridge, humakot ng 22 points at 11 rebounds sa 102-89 panalo ng Portland sa Memphis Grizzlies.
Habang nakatiyak na ang Blazers ng No. 6 spot, kailangan pa nilang matapos ang regular season para malaman ang kanilang makakalaban sa first-round ng playoffs.
Huling makakalaban ng Portland ang talsik nang Golden State.
Tinamaan ang Portland ng mga knee injuries kina center Greg Oden, three-time All-Star Brandon Roy at center Marcus Camby.
Naglaro naman ang Memphis na wala sina starters Zach Randolph at Tony Allen.
Nakikipag-agawan ang Grizzlies sa New Orleans para sa final two spots.
Sa New York, umiskor si Derrick Rose ng 26 puntos upang tulungan ang Chicago Bulls sa 103-90 panalo laban sa Knicks.
Ang panalo ay nagpalakas sa Bulls sa kanilang kampanya sa karera para sa NBA’s best record, sa kabila ng nakatiyak na ang Chicago ng best record sa Eastern Conference taglay ang 61-20 karta, habang hawak naman ng San Antonio ang 61-19 record.