Manilans, Cebuanos nanguna sa 2011 Jr. NBA Camp
MANILA, Philippines - Pitong Manilans at tatlong Cebuanos ang umangkin sa top ten slots sa 2011 Jr. NBA Philippines Program na inihahandog ng Alaska.
Ito ang isa na sa pinakamatangkad na Jr. NBA All Star Team na naitala sa four-year history ng Jr. NBA in the Philippines, wika ni US Jr. NBA Coach Frank Lopez.
Sina Jarrell Lim, Lorenzo Fernando Navarro, Kobe Lorenzo Paras, Ferdinand Ravena III, Alfred Sajulga, Justin Oliver Serrano at Tsaddy John Tabaldo mula sa Manila at Miguel Kristoffer Competente, Dawn Hynric Ochea at Rendell Thomas Senining buhat sa Cebu ang bagong Jr. NBA All Stars na nabigyan ng pagkakataong makapanood ng isang live NBA game.
Makakaharap rin nila ang isang Jr. NBA Team ng US. Limang players ang nabigyan ng special awards para sa kanilang magandang ipinakita sa nasabing three-day National Training Camp na sumubok sa kanilang skills at Jr. NBA core S.T.A.R. values.
Si Dawn Hynric Ochea ay kinilalang Alaska Most Valuable Player ng camp, Si Alfred Sajulga ang kumuha ng Gatorade Hustle Award, si Niño Dave Paon ang sumikwat ng Asia Miles Sportsmanship Award, si John Lorenz Toral ang tumanggap ng BTV Rising Star Award at si Lorenzo Fernando Navarro ang tinanghal na Hi-Smart All Star Player at si Jarrell Lim ang napiling Alaska Youth Ambassador.
Ang top ten ay hinugot mula sa 50 junior players na may edad 10 hanggang 14-anyos na nangibabaw sa kanilang mga regional selection camps noong Marso at nakapasa sa National Training Camp na idinaos sa La Salle Green Hills at sa SM Mall of Asia kamakalian.
- Latest
- Trending