Lady Altas, Stingers nagpalakas
MANILA, Philippines - Habang ginitla ng Lady Stingers ang debut game ng Lady Stags, naging magaan naman ang panalo ng Lady Altas sa Lady Falcons.
Bunga ng eligibility violation ni Faye Guevarra, nabalewala ang 25-20, 25-15, 25-19 panalo ng Adamson University sa University of Perpetual Help sa Group B sa Shakey’s V-League kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.
Ipinasok ni coach Dulce Pante si Faye Guevarra, isa sa mga guest players ng Lady Falcons, sa second set para palitan si Angelica Quinlog.
Ngunit ayon kay tournament commissioner Tony Boy Liao, si Guevarra ay wala sa Adamson roster ng nakaraang UAAP season kaya hindi siya maaaring maglaro sa liga.
Sa ilalim ng special provision sa patakaran sa mga student-guest players, ang isang koponan ay maaaring gumamit ng tatlong guest players na dapat ay nag-aaral pa sa naturang paaralan.
“A team can only avail itself of one of the above rules for their guest players --either the general rule or the special provision for student guest players. A combination of both is not allowed,” paliwanag ni Liao.
Bunga nito, ang Lady Altas ang kumuha sa solo lead para sa kanilang ikalawang sunod na panalo, habang nahulog naman sa 1-1 ang baraha ng Lady Falcons, ang nagreyna sa 2010 second conference.
Sa ikalawang laro, binigo naman ng Southwestern University ang San Sebastian College, 24-26, 25-23, 25-23, 25-20, para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng torneong suportado ng Shakey’s Pizza katuwang ang Accel bilang official outfitter at Mikasa bilang official ball.
Bumangon ang Lady Cobras mula sa isang first-set setback upang walisin ang sumunod na tatlong frames para sa kanilang 2-1 baraha at solohin ang ikalawang silya sa Group A sa ilalim ng 2-0 marka ng Ateneo Lady Eagles.
- Latest
- Trending