^

PSN Palaro

Azkals magsasanay sa Germany

- Olmin Leyba -

MANILA, Philippines - Posibleng sa Germany magsanay ang Philippine Az­kals sa kanilang preparasyon para sa 2014 Fifa World Cup Asian Qualifiers matchup laban sa Sri Lanka.

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano Araneta na plano nina team manager Dan Palami at German coach Michael Weiss na magtungo sa Germany para sa kanilang foreign training sa Hunyo 7-17.

Sasagupain ng Azkals ang Sri Lanka sa Hunyo 29 sa Colombo para sa first leg at sa second leg sa Hulyo 3 alinman sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila o sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

“Pinapatingnan ko na kina Dan at coach Michael kung pwede kami sa Germany, kung may mga teams kaming makakalaban pag pumunta kami doon. Kailangan kasi talaga ng practice games,” wika ni Araneta.

Nauna nang ikinunsidera ng Azkals ang pagsasa­nay sa Qatar at Australia bilang training site.

Kung walang makukuhang German teams ang Azkals para sa kanilang training, sinabi ni Araneta na magtutungo na lamang sila sa Thailand or Malaysia.  

ARANETA

AZKALS

BACOLOD CITY

DAN PALAMI

FIFA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

HUNYO

MARIANO ARANETA

MICHAEL WEISS

PANAAD STADIUM

PHILIPPINE AZ

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with