PC Gilmore, NLEX magtutulakan sa solong liderato sa Group A

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na pa­nalo ang nais na hagipin ng PC Gilmore sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Kalaban ng Wizards na nakabangon na matapos matalo sa unang laro sa RnW Pacific Pipes ang ma­lakas ding NLEX Road Warriors sa tampok na laro na magsisimula matapos magtuos ang Maynilad at FCA Cultivators sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ang NLEX ay mayroon ding 2-1 karta at kabilang sa apat na koponang magkakasalo sa liderato sa Group A kasama ang Pharex at Black Water kaya ang mananalo rito ay magsosolo sa unahan sa grupo.

Puntirya naman ng May­nila ang ikatlong panalo sa apat na laro para humiwalay sa Cebuana Lhuillier sa ikalawang puwesto sa Group B.

Show comments