Heat wagi sa Celtics, kinuha ang No. 2 spot sa East

MIAMI--Nasikwat ng Miami Heat ang solong ikalawang posisyon sa NBA Eastern Conference matapos na paspasan ang Boston Celtics, 100-77 sa labanan ng dalawang koponan na kapwa umaasa na patuloy na mananalasa sa post-season sa NBA nitong Linggo.

“It was a playoff-atmosphere type of game, from the fans to both teams’ approach to what the game meant,” wika ni Dwyane Wade.

Umentra ang Heat at Celtics sa arena at ang kanilang tagisan ay inaasahan nang magiging mahigpitan sanhi ng kanilang magkatulad na 55-24 kartada.

Tumapos si LeBron James ng 27 puntos at pitong assists at naglista naman si Wade ng 14 puntos at walong rebounds para sa Heat, na ginapi ang Celtics sa unang pagkakataon sa kanilang nakalipas na apat na ulit na pagkikita sa season at nabigo rin sila ng tatlo sa kanilang huling 16 games.

Kailangan ng Miami ng kumbinasyon ng dalawang panalo o kaya ay matalo ang Celtics upang maseguro ang No. 2 seed sa East.

Show comments