^

PSN Palaro

Lady Falcons, Altas maghihiwalay ng landas; magandang debut pakay naman ng Stags

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Unahan sa ikalawang sunod na panalo ang pag-aagawan ng Perpetual Help at Adamson habang magpapakitang-gilas naman ang San Sebastian sa pagbabalik ngayon ng laro sa Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan City.

Walang kinuhang Thai import ang Lady Stags sa pagkakataong ito at isasandal ang kampanya sa da­ting manlalaro na ngayon ay guest player Suzanne Roces kasama sina NCAA MVP Joy Benito, Elaine Cruz at Mae Crisostomo.

Kung gaano kalakas ngayon ang Baste ay ma­la­laman matapos nilang banggain ang Southwestern University sa tampok na laro dakong alas-4.

Mauunang magtutuos naman ang Perpetual Help at Adamson sa ganap na alas-2 ng hapon at ang ma­nanalo ay mananati­ling walang talo sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza bukod pa ng Accel at Mikasa.

Inaasahang magbibi­gay ng magandang laban ang Lady Cobras na na­lusutan ang FEU sa limang set nitong Huwebes, 27-29, 30-28, 25-21, 19-25, 15-13, para maitabla ang karta sa 1-1.

Nanalo ang Lady Falcons sa unang asignatura laban sa University of La Salle-Bacolod, 25-23, 25-15, 25-22, straight sets panalo upang maipakita sa lahat ang kahandaan na makuha ang ikalawang sunod na titulo sa liga.

Mabangis pa rin sina Angela Benting, Pau Soriano, Angelica Vasquez at guest players Nerissa Bautista at Michelle Laborte at ang mga ito ang siyang ma­numuno uli laban sa Altas na isasandal kina April Ann Sartin, Angelique Dionela at Michelle Datuin.

“Galing ang kalaban sa panalo kaya hindi puwe­deng magkumpiyansa at focus at discipline ang key para manalo,” wika ni Adamson coach Dulce Pante.

ADAMSON

ANGELA BENTING

ANGELICA VASQUEZ

ANGELIQUE DIONELA

APRIL ANN SARTIN

DULCE PANTE

ELAINE CRUZ

GROUP B

PERPETUAL HELP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with