Spurs No. 1 sa Western Conference
SAN ANTONIO — Sinabi ni Richard Jefferson na gusto ng San Antonio Spurs na tumapos na may best record sa NBA.
Umiskor si Jefferson ng 20 points para sa 111-102 panalo ng Spurs sa Utah Jazz at sakyan ang isang four-game winning streak.
Nasambot na ng San Antonio (61-19) ang No. 1 seed sa Western Conference.
Dahil dito, halos 20 minuto na lamang ang inilalaro nina Tim Duncan, Manu Ginobili at Tony Parker.
“We’ve played this well all season long we’d love to finish out atop the NBA,” sabi ni Duncan, tumipa ng 10 points. “We’re going to try to do the best of managing minutes and winning games and doing that all at the same time.”
Pinamunuan ni Al Jefferson ang Jazz sa kanyang 23 points.
Sa iba pang laro, tinalo ng Houston Rockets ang LA Clippers, 99-78; binigo ng Washington Wizards ang Atlanta Hawks, 115-83; ginapi ng Milwaukee Bucks ang Cleveland Cavaliers, 108-101; at giniba ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 130-106.
- Latest
- Trending