'Speed and power' ni Mosley tatapatan ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Sa pagsagupa sa isang boksingerong may taglay ring liksi at lakas, ilang ‘boxing techniques’ ang pinagagawa ngayon ni trainer Freddie Roach kay Manny Pacquiao.
Ilan rito ay ang paggalaw ng ulo ng Filipino world eight-division champion para matakasan ang lakas ni Mosley.
“We’re focusing on speed and head movement side-to-side for this fight because we know Mosley is not that slow so that’s why we’ll apply some techniques that we can use in the fight,” sabi ni Pacquiao sa panayam kahapon ng On the Ropes Boxing Radio sa United States.
Nakatakdang idepensa ng 32-anyos na si Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight belt laban sa 39-anyos na si Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Bitbit ni Pacquiao ang 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, habang dala ni Mosley ang 46-6-1 (39 KOs) slate.
Ayon kay Pacquiao, si Mosley ang maituturing niyang isa sa mga pinakamabigat na makakalaban niya.
“Well, I consider this one of my toughest opponents because Mosley is not that slow,” wika ni Pacquiao kay Mosley. “He can move fast and he has good hand speed and foot speed and he’s a former pound-for-pound so I never underestimate Mosley.”
Si Mosley ay tinalo ni Floyd Mayweather, Jr. via unanimous decision noong Mayo ng 2010. At wala namang nararamdamang ‘pressure’ si Pacquiao para higitan ang naturang panalo ni Mayweather kay Mosley.
“I’m not comparing my abilities to anybody, but I trained hard for this fight to make people happy and to give a good show May 7,” ani Pacquiao.
- Latest
- Trending