Rain Or Shine, Air21 Humirit

MANILA, Philippines - Nabigo ang Gin Kings at Aces na maisagawa ang ‘sweep’.

Binalikan ng Rain or Shi­ne ang Barangay Gineb­ra, 113-97, habang niresbakan ng Air21 ang Alaska, 94-84, sa Game Two ng kani-kanilang quarterfinals series para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup ka­gabi sa Cuneta Astrodome sa Pa­say City.

Bumawi ang Elasto Pain­­ters mula sa 91-100 ka­bi­­guan sa Game One para itab­­la sa 1-1 ang kanilang best-of-three quarterfinals showdown ng Gin Kings.

Ang mananaig sa laba­nan ng Ginebra at Rain or Shi­ne ang sasagupa sa No. 2 Smart-Gilas sa best-of-five se­mifinals series.

Itinabla rin ng Express sa 1-1 ang kanilang serye ng Aces.

Bumangon ang Air21 bu­hat sa kanilang 89-91 ka­­biguan sa Alaska noong Bi­yernes kung saan isinal­pak ni Sonny Thoss ang isang game-winning tip-in.

“We adjusted very well,” ani coach Bong Ramos sa ka­nilang depensa. “Last ga­me nagkaron kami ng lap­ses sa depensa. And the boys accepted their mistake last time, now we were able to execute our defense against Alaska.”

Humataw si import Alpha Ban­gura ng game-high 40 points, 9 rebounds, 3 assist, 2 steals at 1 shotblock para pa­ngunahan ang Ex­press ka­sunod ang 15 markers ni Leo Avenido.

Si Bangura ang namuno sa 8-0 atake ng Air21 sa huling 43 segundo ng fourth quarter para tiyakin ang kanilang panalo sa Alaska.

Mula sa 22-19 lamang sa opening period, pinalobo ng Express ang kanilang bentahe sa halftime, 51-34, kontra Aces, nakahugot ng 24 points kay Joe Devance, 18 kay LA Tenorio at 17 kay import LD Williams.

Ang mananalo sa Air21 at Alaska ang lalaban sa No. 1 Talk ‘N Text sa semis.

Rain or Shine 113 - Bue­­nafe 20, Rodriguez 17, Araña 16, Norwood 11, Kramer 11, Adams 9, Van­landingham 9, Tang 8, Belga 6, Chan 6, Ibanes 0.

Ginebra 97 - Brumfield 28, Cortez 13, Wilson J. 12, Miller 12, Labagala 11, Hatfield 7, Tubid 6, Ca­guioa 5, Intal 2, Menk 1, Aquino 0, Mamaril 0.

Quarters: 31-14, 62-37, 85-78, 113-97.

Show comments