Rain Or Shine, Air21 Humirit
MANILA, Philippines - Nabigo ang Gin Kings at Aces na maisagawa ang ‘sweep’.
Binalikan ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra, 113-97, habang niresbakan ng Air21 ang Alaska, 94-84, sa Game Two ng kani-kanilang quarterfinals series para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bumawi ang Elasto Painters mula sa 91-100 kabiguan sa Game One para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three quarterfinals showdown ng Gin Kings.
Ang mananaig sa labanan ng Ginebra at Rain or Shine ang sasagupa sa No. 2 Smart-Gilas sa best-of-five semifinals series.
Itinabla rin ng Express sa 1-1 ang kanilang serye ng Aces.
Bumangon ang Air21 buhat sa kanilang 89-91 kabiguan sa Alaska noong Biyernes kung saan isinalpak ni Sonny Thoss ang isang game-winning tip-in.
“We adjusted very well,” ani coach Bong Ramos sa kanilang depensa. “Last game nagkaron kami ng lapses sa depensa. And the boys accepted their mistake last time, now we were able to execute our defense against Alaska.”
Humataw si import Alpha Bangura ng game-high 40 points, 9 rebounds, 3 assist, 2 steals at 1 shotblock para pangunahan ang Express kasunod ang 15 markers ni Leo Avenido.
Si Bangura ang namuno sa 8-0 atake ng Air21 sa huling 43 segundo ng fourth quarter para tiyakin ang kanilang panalo sa Alaska.
Mula sa 22-19 lamang sa opening period, pinalobo ng Express ang kanilang bentahe sa halftime, 51-34, kontra Aces, nakahugot ng 24 points kay Joe Devance, 18 kay LA Tenorio at 17 kay import LD Williams.
Ang mananalo sa Air21 at Alaska ang lalaban sa No. 1 Talk ‘N Text sa semis.
Rain or Shine 113 - Buenafe 20, Rodriguez 17, Araña 16, Norwood 11, Kramer 11, Adams 9, Vanlandingham 9, Tang 8, Belga 6, Chan 6, Ibanes 0.
Ginebra 97 - Brumfield 28, Cortez 13, Wilson J. 12, Miller 12, Labagala 11, Hatfield 7, Tubid 6, Caguioa 5, Intal 2, Menk 1, Aquino 0, Mamaril 0.
Quarters: 31-14, 62-37, 85-78, 113-97.
- Latest
- Trending