Manila, Philippines - Ipakitang kaya pa niyang magboksing ang misyon ng nagbabalik na Mexican boxer Erik Morales sa pagharap nito laban kay Marcos Maidana ng Argentina ngayon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Mapapanood ito ng mga boxing aficionados ng bansa sa pamamagitan ng Sports5 --ang sports arm ng TV5 mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon sa TV5 at Aksyon TV UHF Channel 41.
May replay din ito sa primetime mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi sa IBC-13.
Si Morales ang boksingerong nakalaban ng tatlong beses ni Manny Pacquiao. Ang huling laban na ginanap noong Nobyembre 18, 2006 na kung saan nanalo si Pacman sa pamamagitan ng third round KO at nagdesisyon si Morales na magpahinga na sa pagbo-boxing.
Pero bumalik siya sa ring noong Marso 2010 at nakapagtala ito ng tatlong sunod na panalo, ang huli ay laban kay Francisco Lorenzo nitong Disyembre 18, para kunin ang WBC silver light welterweight title.
Ang labanan ngayon ay para sa interim WBA world light welterweight at tiyak na mapapalaban si Morales, may 51 wins (35KOs), 6 talo, laban kay Maidana na mayroong 29 panalo sa 31 laban at 27 KO.
Ang labang ito ay unang handog ng Sports5 sa boxing at bahagi ng pagnanais na maging pangunahing network na magpapalabas ng iba’t ibang anyo ng palakasan.