^

PSN Palaro

Morales may patutunayan sa laban kay Maidana ngayon

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Ipakitang kaya pa niyang magboksing ang mis­yon ng nagbabalik na Mexican bo­xer Erik Morales sa pagharap nito laban kay Marcos Mai­dana ng Argentina ngayon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.       

Mapapanood ito ng mga boxing aficionados ng bansa sa pamamagitan ng Sports5 --ang sports arm ng TV5 mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon sa TV5 at Aksyon TV UHF Channel 41.

May replay din ito sa pri­metime mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi sa IBC-13.

Si Morales ang boksi­ngerong nakalaban ng tat­long beses ni Manny Pac­quiao. Ang huling laban na ginanap noong Nob­yem­bre 18, 2006 na kung saan nanalo si Pacman sa pamamagitan ng third round KO at nagdesisyon si Morales na magpahinga na sa pagbo-boxing.

Pero bumalik siya sa ring noong Marso 2010 at nakapagtala ito ng tatlong sunod na panalo, ang huli ay laban kay Francisco Lorenzo nitong Disyembre 18, para ku­nin ang WBC silver light welterweight title.

Ang labanan ngayon ay para sa interim WBA world light welterweight at tiyak na mapapalaban si Morales, may 51 wins (35KOs), 6 talo, laban kay Maidana na mayroong 29 panalo sa 31 laban at 27 KO.

Ang labang ito ay unang handog ng Sports5 sa bo­xing at bahagi ng pagnanais na maging pangunahing network na magpapalabas ng iba’t ibang anyo ng palakasan.

AKSYON

ERIK MORALES

FRANCISCO LORENZO

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MANNY PAC

MARCOS MAI

SHY

SI MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with