Pamatay na porma ni Pacquiao balik na

Manila, Philippines - Unti-unti nang buma­balik ang tunay na porma ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ito ay matapos muntik nang mapabagsak ni Pacquiao ang isa niyang sparmate sa kanilang sesyon sa Wildcard Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.

Mismong si strength and conditioning coach Alex Ariza ang nagbalita sa naturang pangyayari sa kanyang blog sa MP Bo­­xing.com.

“Manny really pushed himself through his core routine and did a great day of sparring. There was almost a knock down,” ani Ariza. “And it was not Pacquiao who almost got knocked down.”

Ayon pa kay Ariza, na­gulat na lamang ang ba­tang ka-sparring ni Pacquiao sa bilis ng pangyayari sa kanilang sesyon.

“The kid Pacquiao was sparring was acting a little cocky and was thinking he was doing pretty good, when Buboy (Fernandez) called to Manny Pacquiao to turn it up. Pacquiao lit this kid up with a flurry that sent him back on the ropes. I think those ropes were the only reason he did not land on his butt,” ani Ariza.

Nakatakdang labanan ng 32-anyos na Sarangani Congressman ang 39-an­yos na si Sugar Shane Mos­ley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Mosley, nagsasanay sa Big Bear Lakes sa California. 

Show comments