^

PSN Palaro

Isa na lang sa Kings

-

MANILA, Philippines - Mula sa matibay na depensa nina Ronald Tubid at JC Intal kay NBA veteran Hassan Adams, lumapit ang Gin Kings sa semifinal round.

Bukod sa kanyang pagbabantay kay Adams, tumipa si Tubid ng 18 points, tam­pok ang 5-of-8 shooting sa three-point range, para tulungan ang Barangay Ginebra sa 100-91 paggiba sa Rain or Shine sa Game One ng kanilang quarterfinals series para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodo­me sa Pasay City.

Kinuha ng Gin Kings ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three quarterfinals wars ng Elasto Painters para sa inaasam na pag­harap sa No. 1 Smart-Gilas sa best-of-five semifinals showdown.

“One game pa lang ‘yan. We need another win to get to the next round,” sabi ni Ginebra head coach Jong Uichico, nakahugot rin ng 24 points kay import Nate Brumfield, 20 kay Mark Caguioa at 14 kay Mike Cortez.

Tatlong tres ang isinalpak ni Tubid sa first period para sa kanilang 9-4 lamang bago ibaon ang Rain or Shine sa likod ng isang 20-point lead, 58-38, sa 9:21 ng third quarter mula sa tres ni Cortez.

Nang walang puntos na makuha kay Adams, naglaro sa NBA para sa New Jersey Nets at Toronto Raptors, sumandig ang Elasto Painters kina Gabe Norwood, Larry Rodriguez, Beau Belga at rookie Josh Vanlandingham para makalapit sa pagtatapos ng nasabing yugto, 65-70. (RC)

Ginebra 100 - Brumfield 24, Caguioa 20, Tubid 18, Cortez 14, Menk 6, Hatfield 6, Aquino 5, Miller 5, Mamaril 2, Intal 0.

Rain or Shine 91 - Rod­riguez 20, Norwood 18, Adams 12, Belga 11, Kramer 10, Tang 7, Vanlandingham 5, Arana 4, Chan 3, Cruz 1, Jazul 0, Buenafe 0, Ferriols 0.

Quarterscores: 26-23, 50-34, 70-65, 100-91.

BARANGAY GINEBRA

BEAU BELGA

CUNETA ASTRODO

ELASTO PAINTERS

GABE NORWOOD

GAME ONE

GIN KINGS

GINEBRA

HASSAN ADAMS

TUBID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with