Magic tinulungan ni Howard na umakyat sa No. 4 spot sa East

ORLANDO, Fla. - Humakot si Dwight Howard ng 18 points at 17 rebounds, habang nagdagdag ng 17 points si Jameer Nelson para tulungan ang Orlando Magic sa 78-72 panalo laban sa Milwaukee Bucks.

Kasabay ng 90-97 kabi­guan ng Atlanta Hawks sa San Antonio Spurs, nasam­bot na ng Magic ang No. 4 seed sa Eastern Confe­rence playoffs.

Nag-ambag si Hedo Turkoglu ng 12 points kasama rito ang isang jumper na tumiyak sa panalo ng Orlando. Ang kabiguan naman ng Milwaukee sa kanilang huling dalawang laro at panalo ng Indiana ang tuluyan nang magpapatalsik sa kanila.

Nagbida si Drew Goo­den para sa Bucks sa kanyang 18 points kasunod ang 10 ni Keyon Dooling.

Sa Boston, umiskor si Rajon Rondo ng 16-points at 13-assists nang makalapit ang Celtics sa pakikisalo sa No. 2 seed sa Eastern Conference matapos igupo ang Philadelphia 76ers, 99-82 nitong Martes sa NBA.

Ang panalo ay nagtabla sa Celtics at Miami Heat sa 54-23 win-loss record patungo sa huling tig-apat na laro.

Maaaring manalo ang Celtics sa tie-breaker dahil tinalo nila ang Heat sa kanilang unang tatlong pagkikita sa season. Muli silang maghaharap sa Miami sa Linggo.

Umiskor si Paul Pierce ng 18-points, 14 kay Kevin Garnett at 13 kay Ray Allen para sa Boston.

Kumamada si Nenad Krstic ng walong puntos sa loob ng 18-minuto matapos mag-miss ng dalawang ga­mes dahil sa bruised knee.

Sa Denver, umiskor si Kevin Durant ng 32-points sa 101-94 panalo ng Oklahoma City kontra sa Nuggets.

Show comments