MANILA, Philippines - Babanderahan ng 37 kyorugi (sparring) at poomsae (forms)athletes, magpapakitang gilas ang Smart taekwondo team para sa karangalan sa 10th ASEAN Taekwondo Federation (ATF) championship na nagsimula kahapon sa Phnom Penh, Cambodia.
“We are optimistic that our athletes will perform well in prestigious competition,” wika ni Philippine Taekwondo Association president Robert N. Aventajado.
Sinang-ayunan naman ni team delegation head Sung Chon Hong ang pahayag ni Aventajado sa pagsasabing “the Philippines has always been considered among the top contenders” sa ASEAN tournament.
Tinatayang 11 bansa kabilang ang Thailand, Malaysia at Indonesia ang lalahok sa nasabing event na magsisilbi ring bahagi sa preparasyon ng koponan na lalahok naman sa 27th Southeast Asian Games sa Indonesia ngayong Nobyembre.