^

PSN Palaro

Via knockout!

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi ang isang desis­yon ang inaasahan ni Ame­rican challenger Sugar Shane Mosley sa kanilang magiging laban ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao kundi isang knockout.

Ang pagpapabagsak sa 32-anyos na si Pacquiao ay isang tagumpay para sa 39-anyos na si Mosley.

“But a victory for me, would be to actually knock him out, not just going the distance with him and winning, but it would be my goal to knock him out,” sabi ni Mosley sa isang panayam sa kanyang training camp sa Big Bear Lakes sa California, USA.

Sa kanyang boxing career, dalawang beses pa lamang napapabagsak si Pacquiao. Ito ay laban kay Medgoen Singsurat sa third round noong Setyembre 17, 1999 sa Thailand para sa naagaw na World Bo­xing Council (WBC) fly­weight nito at kontra kay Rustico Torrecampo sa third round noong Pebrero 9, 1996 sa isang non-title fight sa Mandaluyong City.

Wala namang boksi­ngerong nakakapagpatulog kay Mosley na natalo via unanimous decision sa kanyang anim na laban.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Bo­xing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Inaasahan na ng Sa­ranga­ni Congressman, sinimulan na ang sparring session sa Wildcard Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California, na ibibigay ni Mosley ang lahat ng makakaya nito para manalo sa kanilang laban.

Ayon kay Mosley, isang three-time world titlist, hindi niya hahayaan ang mga hurado na umiskor sa kani­lang laban ni Pacquiao.

“A decision would be satisfying, but I’m not looking to score a decision by out­boxing him. I think that he might start out with a stra­tegy of trying to outbox me for a few rounds,” ani Mosley kay Pacquiao. “But I think that eventually, he’ll have to come forward and that he will try to go for the knockout, which should make the fight very exciting. And you know, I’m feeling great in training.”

Dala ni Pacquiao ang kanyang 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, habang taglay ni Mosley ang 46-6-1 (39 KOs) slate.

Sa kabila ng kanyang pitong taon na tanda kay Pacquiao, kumpiyansa pa rin si Mosley sa taglay ni­yang bilis.

vuukle comment

BIG BEAR LAKES

BUT I

FREDDIE ROACH

KAY

LAS VEGAS

MANDALUYONG CITY

MOSLEY

PACQUIAO

SHY

WORLD BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with