Champion's Cup prayoridad ni Barrios
MANILA, Philippines - Matapos ang una niyang araw bilang bagong executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong Lunes ay sisimulan na ni Sonny Barrios ang pagtutok sa pangangasiwa ng bansa sa darating na 2011 FIBA-Asia Champion’s Cup.
“Maraming kailangang atupagin, specifically, magho-host tayo ng isang international event na world age group at meron naman tayong tinatawag na FIBA-Asia Champion’s Cup from May 28 to June 5 compose of 10 teams, nine of them are foreign at siyempre ang Smart-Gilas natin,” ani Barrios kahapon sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa U.N. Avenue, Manila.
Ang naturang FIBA-Asia Champion’s Cup ay idaraos ng SBP sa Philsports Arena sa Pasig City na tatampukan ng Smart-Gilas ni Serbian caoch Rajko Toroman.
Sa naturang torneo inaasahang makakahiram ang SBP sa Philippine Basketball Association (PBA) ng limang professional players para makatulong sa Nationals.
“There is no formal identity yet I believe on who those five (players) will be if indeed Smart-Gilas will borrow five,” wika ni Barrios, nagsilbi sa PBA sa loob ng 21 taon, ang huling tatlo ay bilang Commissioner kapalit ni Noli Eala.
Maliban sa FIBA-Asia Champion’s Cup, paghahanda na rin ng SBP ang FIBA-Asia Men’s Championships sa Wujan, China sa Setyembre na siyang qualifying tournament patungo sa 2012 London Olympics.
Nasa kalendaryo rin ng SBP ang 26th Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia na sa Nov. 11.
- Latest
- Trending