Kahit may edad na, Mosley mapanganib pa rin - Ariza
MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagiging 39-anyos ni Sugar Shane Mosley, isa pa ring maituturing na mapanganib na boksingero ang American warrior.
Sinabi ni Alex Ariza, ang strength and conditioning coach ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao, na lumaki si Mosley sa Pamona, California na lumalaban sa mas malalaki sa kanya.
“He grew up fighting big, strong guys that came straight ahead,” sabi ni Ariza kay Mosley. “Manny comes straight ahead. So Manny could be made to order for Mosley.”
“The fight, for the people who understand boxing and stuff like that, it can be a very dangerous fight. I think that Shane Mosley is extremely dangerous. He’s got a tremendous amount of skill and experience,” dagdag ni Ariza.
Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organziation (WBO) welterweight crown laban kay Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sinimulan na kahapon ng 32-anyos na Sarangani Congressman ang kanyang apat na linggong pagsasanay sa Wildcard Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.
Ayon kay Ariza, muli nilang babalikan ang kanilang mga ginawa sa mga nakaraang laban ni Pacqauiao kontra kina Miguel Cotto ng Puerto Rico, Joshua Clottey ng Ghana at Antonio Margarito ng Mexico bilang paghahanda kay Mosley.
“Physically, I’m trying to get Manny to push himself to put Shane Mosley into a position or a pace that he’s not comfortable with, and then, for Manny to go above and beyond that pace,” ani Ariza sa kanilang plano.
Samantala, magiging abala rin si Pacquiao sa pagpo-promote ng kanilang laban ni Mosley, ayon sa kanyang Canadian adviser na si Michael Koncz.
“There will be tremendous amounts of TV guestings because that’s part of the agreement we had with Showtime and CBS, to promote the fight and break the pay-per-view record,” sabi naman ni Koncz .
Bilang bahagi ng promotional package ng Showtime at CBS, isasaere ng Showtime ang isang 4-part documentary tungkol sa Pacquiao-Mosley fight na pinamagatang “Fight Camp 360” na kagaya sa “HBO 24/7”.
Ipinalabas na ang Episode 1 ng Fight Camp 360 noong Sabado sa United States, habang posible namang maging bisita si Pacquiao sa Jimmy Kimmel Show at sa 60 Minutes.
- Latest
- Trending