MANILA, Philippines - Inaasahang lalapag na ngayong gabi ang sinakyang eroplano ni Manny Pacquiao sa Los Angeles, California, USA diretso sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.
“Arriving at LAX this Saturday, 8:05pm Philippine Airlines PR 102,” sabi ng Filipino world eight-division champion sa kanyang official Twitter account.
Bumiyahe kahapon ng hapon ang Sarangani Congressman patungong Los Angeles, California makaraan ang dalawang linggong pagpapakundisyon sa Baguio City sa ilalim ng patnubay ni Roach.
Si Pacquiao ay sumakay sa Philippine Airlines flight PR 102 at inaasahang darating sa Los Angeles International Airport (LAX) ngayong gabi.
Bukod kina David Rodela at Shawn Porter, kinuha ni Roach bilang mga sparring partners ni Pacquiao sina welterweights Karim Mayfield at Rashad Halloway.
Sa Baguio City nagsanay si Pacquiao para sa kanyang paghahanda sa kanilang welterweight championship fight ni Puer to Rican Miguel Cotto noong 2009.
Umakyat muli ang Team Pacquiao sa Baguio City bilang preparasyon naman kay Mexican Antonio Margarito sa kanilang laban noong Nobyembre ng 2010.
Kapwa binigo ni Pac quiao sina Cotto at Margarito.
Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban sa 39-anyos na si Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.