^

PSN Palaro

Pacquiao darating sa Los Angeles ngayong gabi

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Inaasahang lalapag na ngayong gabi ang sinakyang eroplano ni Manny Pacquiao sa Los Angeles, California, USA diretso sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.

“Arriving at LAX this Saturday, 8:05pm Philippine Airlines PR 102,” sabi ng Filipino world eight-division champion sa kanyang official Twitter account.

Bumiyahe kahapon ng hapon ang Sarangani Congressman patungong Los Angeles, California maka­raan ang dalawang linggong pagpapakundisyon sa Baguio City sa ilalim ng patnubay ni Roach.

Si Pacquiao ay sumakay sa Philippine Airlines flight PR 102 at inaasa­hang darating sa Los Ange­les International Airport (LAX) ngayong gabi.

Bukod kina David Ro­dela at Shawn Porter, kinuha ni Roach bilang mga sparring partners ni Pacquiao sina welterweights Karim Mayfield at Rashad Halloway.

Sa Baguio City nagsa­nay si Pacquiao para sa kanyang paghahanda sa kanilang welterweight championship fight ni Puer to Rican Miguel Cotto noong 2009.

Umakyat muli ang Team Pacquiao sa Baguio City bilang preparasyon naman kay Mexican Antonio Margarito sa kanilang laban noong Nobyembre ng 2010.

Kapwa binigo ni Pac quiao sina Cotto at Margarito.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban sa 39-anyos na si Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

BAGUIO CITY

DAVID RO

FREDDIE ROACH

INTERNATIONAL AIRPORT

KARIM MAYFIELD

LAS VEGAS

LOS ANGE

LOS ANGELES

PACQUIAO

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with