ACCEL summer campaign todo na
MANILA, Philippines - Maraming sports events na susuportahan ngayon ang Accel upang maging aktibo ang kabataan sa summer na ito.
Ayon kay Sporteum Philippines Inc. president Willie Ortiz, nakatuon ang summer program ng Accel sa paghikayat sa lahat lalo na ang kabataan sa sports upang manatiling aktibo at malusog.
“`When you’re active and busy, you will not be tempted to do something unwholesome like doing drugs,’’ sabi ni Ortiz.
Layunin din ng summer campaign ng Accel na maging aktibo ang kabataan imbes na walang ginagawa sa bahay.
“Most young people would rather sit infront of a computer or laptop than engage themselves into physical activities,’’ wika pa ni Ortiz.
Magpapartisipa ang Accel sa basketball, badminton, swimming, marathon at tennis para may pagkaabalahan ang mga kabataan.
Isa ang Accel sa sponsor ng PBA at ng D-League. Sinuportahan din ng Accel ang nakaraang ITF Mitsubishi Jr. Tennis Championships nitong March 22-27 at ang Davis Cup Tournament noong March 4-6 sa Plantation Bay Cebu.
Bahagi rin sila ng NBTC Inter School Tournament na nagsimula noong March 31 at ng kasalukuyang National Collegiate Billiards League.
Isa rin ang Accel sa sponsor ng Shakey’s V-League na bubuksan bukas at tatakbo hanggang May 22.
Ang iba pang events na susuportahan ng Accel ay ang Elite Basketball Camp- May 3-8, 20; Team Accel Running Team -First Run-March 6, (Run United 1)Second Run-March 27 (Globe Run For Home 2011 sa BGC); at RUNNEX Running Clinics tuwing Linggo simula Abril.
- Latest
- Trending