Leonardo vs Francisco sa PBaRS semis
MANILA, Philippines - Itinakda nina Alyssa Ysabel Leonardo at Jessie Francisco ang kanilang semifinal showdown matapos manaig sa kani-kanilang kalaban sa U-15 girls’ singles ng Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Powersmash sa Makati City kahapon.
Tinalo ni Leonardo ng Jaime Llanes Training Camp si WWGBA’s Faith Denise de Vera, 21-12, 21-14, patungo sa Final Four laban kay Francisco na bumigo kay Ysabelle Carmen Dumandan ng Escoses Training Camp, 21-9, 21-3, sa isa pang quarterfinal clash.
Paglalabanan naman nina Samantha Louise Ramos ng Golden Shuttle Foundation at Joella Geva De Vera ng Whackers BA ang isa pang finals berth matapos daigin sina Aizyl Joy Anuales, 21-7, 21-12, at Mary Ann Maranon, 21-8, 21-17, ayon sa pagkakasunod.
Sa boys’ side ng U-15 clas, pumasok sa semis si Markie Alcala ng Allied-Victor matapos igupo si Arman Jose Manlalangit ng JLTC, 22-20, 17-21, 21-17.
Ang 13-anyos namang reigning national Open champion na si Malvinne Alcala ang makakalaban ni Julius Quindoza ng WWGBA, tinalo si Don Erick Balatbat ng JLTC, 21-11, 21-10, sa torneong itinataguyod ng MVP Sports Foundation-Goal Pilipinas!, Bingo Bonanza Corp. at Victor.
Pinadapa ni Frell Keeyan Gabuelo ng WWGBA-Prince si Joaquin Deato, 21-15, 21-12, para sa kanilang semis clash ni Alvin Morada ng JLTC, sinibak si Patrick Gecosala, 21-12, 21-8.
- Latest
- Trending