^

PSN Palaro

Gems, Cultivators maghihiwalay para makasalo sa liderato

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magkakasukatan nga­yon ang dalawang walang talong koponan na Cebuana Lhuillier at FCA habang bumangon mula sa huling kabiguan ang hanap ng NLEX sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Ang Gems at Cultiva­tors ay magpapang-abot dakong alas-4 ng ha­pon at ang mananalo ay makakasalo sa Cobra Ener­gy Drink na nangungu­na sa Group B sa 2-0 baraha.

Walang itulak-kabigin sa dalawang koponang ito dahil parehong may mga mahuhusay na beterano bukod pa sa katotohanang mataas ang kumpiyansa na haharapin ang sagupaan dahil sa nakuhang magagandang panalo sa unang laro.

Dinurog ng tropa ni coach Luigi Trillo ang Cafe France, 83-62, habang hi­niritan naman ng 89-74 panalo ng bataan ni coach Arsenio Dysangco ang Junior Powerade.

“They are playing at a very high level so we have to control them,” wika ni Trillo na sasandal kina Marvin Hayes, James Sena, Benedict Fernandez at Al­lein Maliksi upang mapa­ngatawanan ang pagiging isa sa paborito sa liga.

Maibangon naman ang dangal matapos matalo sa ikalawang asignatura sa ligang nilahukan ng 13 koponan ang nais ng Road Warriors sa pagharap sa RnW Pacific Pipes sa ga­nap na alas-2 ng hapon.

Naunsiyami ang ha­ngarin ng bataan ni coach Boyet Fernandez na mana­tiling malinis ang karta sa Group A nang lasapin ang masakit na 74-79 kabiguan sa kamay ng Pharex na may 2-0 baraha sa grupo.

Sa kabilang banda, mu­la naman sa nakakapanghinayang na 69-72 pagkatalo ang Pacific Pipes sa Black Water kaya’t tiyak na buhos din ang ipakikitang laro ng tropa ni coach Topex Ro­binson.

ANG GEMS

ARSENIO DYSANGCO

BENEDICT FERNANDEZ

BLACK WATER

BOYET FERNANDEZ

CAFE FRANCE

CEBUANA LHUILLIER

COBRA ENER

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with