MANILA, Philippines - Matapos aprubahan ang pagpapalit ng San Miguel ng pangalan para sa darating na 2011 PBA Governors Cup, ibinasura naman kahapon ng PBA Board ang pagbili ng Phoenix Fuels sa prangkisa ng Barako Bull.
Gusto sana ng Phoenix Fuels, ang sponsor ng mga out-of-town games ng PBA, ang prangkisa ng Barako Bull, nagsumite ng ‘leave of absence’ at sinalo ng Smart-Gilas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Matapos malaman ang intensyon ng Phoenix Fuels, sumulat ang San Miguel Corporation sa PBA Board upang palitan ang pangalan ng San Miguel team sa Petron Blaze.
Ang Petron Blaze at Phoenix Fuels ay magkalaban sa fuel industry.