V-League opisyal guest sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Tampok na talakayan ngayong araw ang season 8 ng sumisikat na Shakey’s V-League sa eksklusibong edition ng weekly PSA FOrum sa Shakey’s U.N. Avenue.

Mangunguna sa listahan ng panauhin sa natu-rang public sports program sina Shakey’s EVP-COO Vic Gregorio at marketing manager Barbie Ocampo. Makakasama nila sina Moying Martelino at Ricky Palou, chairman and operations director, ayon sa pagkakasu­nod ng nag-organisang Sports Vision.

Inaasahang tatalakayin ng apat na opisyal sa session na live na napapakinggan sa Sports Radio 918 at presinta ng Outlast Battery, Shakey’s at PAGCOR, ang first conference ng V-League na papalo sa April 3 sa Flying V Arena sa San Juan.

Show comments