KORONADAL City--Agad nagpasiklab ang top seed na si Kurt Gerapusco nang manguna sa early winners sa unang leg ng 13th Smart Head Junior Tennis Satellite Circuit nitong Linggo sa South Cotabato Sports Complex tennis courts.
Bago humataw ang mga kalahok, nagbigay muna ng makabuluhang mensahe si Koronadal City Mayor Peter B. Miguel sa opening ceremony ng 13-leg event na inaayudahan ng Chris Sports, Meralco, Maynilad, Head, ang official Ball, Toalson at sanctioned ng PHILTA.
Pinulbos ni Gerapusco si Keiser Mlok, 10-4, para umusad sa quarterfinals ng 18-under (boys) katapat si James Sumaylo, 10-3 winner kay Henry Munoz, samantalang si Karl Laurenz Magno ay pinagpraktisan lang si Jess Bagonoc, 10-1, para makasagupa naman si Eric Cariga sa quarterfinal.
Hindi man lang sinikatan ng araw kay fourth seed Cariga si Carlo Nono sa second round, 10-0, habang ang third seed na si Elvie Lopez ay pinadapa si Shun Santos, 10-2, para kalabanin sa susunod na ikutan si Hakeem Cariga, angat kay Jay Yap, 10-1, sa quarters.
Naungusan ni Gar Camidon si Justin Regino, 10-8, upang makipagduwelo kay second seed Rogelio Estanio Jr., na binomba si Ian Maribao, 10-2, sa quarterfinals.
Sa distaff side, sa 18-under class, isinaayos nina No. 1 Nikki Arandia at second seed Jzash Canja ang kanilang titular showdown matapos manaig kina Lenelyn Milo, 10-5, at Mice Tagki, 10-1, ayon sa pagkakasunod.