Tenorio, Simon co-PBAPC Player of the Week
MANILA, Philippines - Nang mangailangan ang Alaska at Derby Ace ng kamador sa kani-kanilang mga laro, hindi nagdalawang-isip sina LA Tenorio at PJ Simon.
Sa come-from-behind overtime win, 104-101, laban sa Meralco Bolts noong nakaraang Biyernes, tumipa ang 5-foot-8 point guard na si Tenorio ng career-high 33 points para punan ang naiwang trabaho ng napatalsik na si import LD Williams sa first period mula sa isang Flagrant Foul Penalty 2 kay Mac Cardona.
Ang 5’11 namang si Simon ay nagtala ng mga averages na 23.0 points at 8.0 rebounds sa mga panalo ng Llamados sa Smart-Gilas at San Miguel Beermen.
Mula sa kanilang mga pagbibida, kinilala sina Tenorio at Simon bilang Accel-PBA Press Corps’ Co-Players of the Week sa 2011 PBA Commissioner’s Cup.
Sa naturang panalo ng Alaska sa Meralco, iniskor ni Tenorio ang kabuuan niyang 33 points sa second half at overtime period, kasama rito ang apat na three-point shots, 8 rebounds, 6 assists, 5 steals at 2 blocked shots.
“After na ma-thrown out ang import namin we as a team decided to play harder and just continue playing. The most important thing was everyone stepped up, not only me but everyone in the team,” ani Tenorio kay Williams.
“Siguro I was lucky lang talaga that time na the ball was in my hand during the crucial part of the game. Basta I played hard lang talaga that game and grabbed the opportunity to step up,” dagdag pa ng da-ting Ateneo Blue Eagle.
Si Simon naman ang naging sandigan ng Llamados bunga ng mga injury nina James Yap (calf strain), Rico Maierhofer (ACL), Don Allado (foot), Jonas Villanueva (ankle), Rafi Reavis (hand) at Jondan Salvador (shoulder).
“PJ has been stepping up in the absence of James and he has become our go-to-guy,” wika ni Derby Ace coach Jorge Gallent kay Simon.
- Latest
- Trending