MANILA, Philippines - Hindi kinaya ni John Riel Casimero ang mga pamatay na suntok ng IBF flyweight champion na si Moruti Mthalane tungo sa fifth round TKO loss na ginanap sa Nasrec Indoor Arena sa Johannesburg, Gauteng, South Africa.
Ilang matitinding uppercuts at kanan ni Mthalane sa ulo ni Casimero ang nagresulta upang umayaw ang Filipino challenger na umakyat ng timbang para sunggaban ang world title fight.
Ang 21-anyos na tubong Ormoc City, Leyte ay dating kampeon sa WBO interim light flyweight pero natalo ito sa kanyang pagdepensa sa laban kay Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Hulyo 24, 2010 sa pamamagitan ng split decision.
Nagbigay muna ng magandang laban si Casimero at niyanig si Mthalane sa ikatlong round nang makapagpatama ng apat na matitinding suntok.