^

PSN Palaro

Patrombon kinapos sa finals kay Whittington

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagbayad si top seed Jeson Patrombon sa kanyang mga pagkakamali kontra kay second seed Andrew Whittington ng Australia para lasapin ang 6-2, 6-3 kabiguan sa finals ng 22nd Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Ten­nis Center.

Umabot lamang sa isang oras at 20 minuto ang sa­gupaan dahil dominado ni Whittington ang kabuuan ng laban para makuha nito ang ikalawang sunod na ITF Gra­de I title.

Nanalo si Whittington sa Malaysia noong nakaraang linggo at tinalo rin niya sa finals si Patrombon at ang da­lawa ngayon ay mayroong 2-2 karta sa kanilang head-to-head match up.

“I’ve been having good year since I have gotten ATP points and won two tournaments,” wika ng 17-anyos at 6-foot-2 na si Whittington.

Ang tubong Melbourne, Australia ay agad na uma­rangkada sa first set sa 3-0 tungo sa madaling 6-2 pa­nalo.

Nag-ingay ang mga manonood nang ma-break ni Pat­­rombon, nagdiwang ng kanyang ika-18th kaarawan kahapon, ang serve ni Whittington sa first game para sa 2-0 kalamangan.

Lumayo pa sa 3-1 si Patrombon pero sa halip na ma­ta­ranta ay itinuon ni Whittington ang isipan sa laban.

Nagbunga ito dahil na-break niya ang world’s number 9-ranked netter sa sixth at eight game upang katampukan ang kinuhang limang sunod na game at makumpleto ang straight sets win.

“Pasensya na po ibinigay ko talaga ang best ko,” wika ni Pat­­rombon, pinahiran ng pain killer ang sumasakit na bin­ti bago ang nasabing laro.

ANDREW WHITTINGTON

JESON PATROMBON

LUMAYO

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIORS TENNIS CHAMPIONSHIPS

NAGBAYAD

NAGBUNGA

PATROMBON

RIZAL MEMORIAL TEN

SHY

WHITTINGTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with