SMART-GILAS nakabawi
MANILA, Philippines - Bagamat naglaro nang wala ang may sprained ankle injury na si 6-foot-11 Marcus Douthit, naibulsa pa rin ng Nationals ang ikalawang playoff berth.
Umiskor si pointguard JV Casio ng game-high 29 points, kasama rito ang isang go-ahead layup sa natitirang 9.3 segundo, habang nagdagdag naman ng 21 si Fil-Am Marcio Lassiter para igiya ang Smart-Gilas sa dramatikong 98-97 panalo kontra Powerade sa elimination round ng 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nag-ambag si Fil-Am Chris Lutz ng 11 points para sa Nationals kasunod ang 10 ni 6’8 Japeth Aguilar.
Muling nagsalo sa liderato ang mainit na Talk ‘N Text at Smart-Gilas sa magkatulad nilang 6-1 rekord kasunod ang Alaska (5-2), Barangay Ginebra (5-2), Rain or Shine (3-4), Derby Ace (3-4), Air21 (2-4), Meralco (2-5), Powerade (2-6) at San Miguel (1-6).
“Now I hope everyone knows this is not just a Marcus Douthit team,” ani Serbian coach Rajko Toroman sa Nationals. “My other players know how to play especially Marcio Lassiter, JV Casio and Chris Lutz.”
Kinuha ng Tigers ang 55-42 abante sa first half sa likod nina import Martin Zeno at Gary David bago nakalapit ang Nationals sa third period.
Smart Gilas 98 - Casio 29, Lassiter 21, Lutz 11, Aguilar 10, Tiu 7, Ramos 7, Baracael 5, Slaughter 4, Barroca 4, Ballesteros 0.
Powerade 97 - Zeno 28, David 23, Espino 10, Lanete 9, Quiñahan 8, Macapagal 5, Allera 4, Antonio 4, Reyes 3, Cruz 3, Anthony 0.
Quarterscores: 14-34, 42-55, 76-71, 98-97.
- Latest
- Trending