^

PSN Palaro

Tenorio binuhat ang Aces sa panalo

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nang mawala si American reinforcement LD Williams sa second period bunga ng Flagrant Foul Penalty 2 kay Mac Cardona, si pointguard LA Te­norio ang nagsilbing import ng Aces.

Kumolekta ang 5-foot-8 na si Tenorio ng career-high 33 points, 8 assists at 5 steals upang tulungan ang Alaska sa dramatikong 104-101 overtime victory kon­tra Meralco para solohin ang ikalawang puwesto sa elimination round ng 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Co­liseum.

Nagdagdag naman si Joe Devance ng 19 points, 8 rebounds at 8 assists para sa 5-2 baraha ng Alaska sa ilalim ng Smart-Gilas (5-1), Talk ‘N Text (5-1) kasunod ang Barangay Ginebra (4-2), Rain or Shine (3-3), Derby Ace (3-4), Air21 (2-4), Meralco (2-5), Powerade (2-5) at San Miguel (1-5).

Matapos kunin ng Bolts ang 94-83 abante buhat sa three-point shot ni Nigerian-American import Champ Oguchi sa 3:11 ng fourth quarter, nagtuwang sina Tenorio, Cyrus Baguio at Sam Eman para idikit ang Aces sa 93-94 sa huling 32.9 segundo.

Naitulak ang extra period nang imintis ni Baguio ang ikalawa at huli niyang freethrow sa natitirang 0.3 segundo para sa 94-94 pagkakatabla.

Sa overtime period, tatlong sunod na basket ni Devance ang naglagay sa Alaska sa 100-96 may 2:28 ang nalalabing oras sa laro.

ARANETA CO

BARANGAY GINEBRA

CHAMP OGUCHI

CYRUS BAGUIO

DERBY ACE

FLAGRANT FOUL PENALTY

JOE DEVANCE

MAC CARDONA

MERALCO

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with