Foscon, Logohu umiskor ng panalo sa MBL
MANILA, Philippines - Naungusan ng last year’s runner-up Foscon Ship Management ang Lyceum-Uratex, 76-75, habang pinataob ng Team Logohu ang Manuel Luis Quezon University, 80-76, sa dalawang kapana-panabik na mga laro sa 2011 MBL Open basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Ang dating Mapua standout na si Erwin Sta. Maria ang nag-bida para sa Foscon matapos gumawa ng 14 sa kanyang 21 puntos sa fourth quarter, kabilang na ang desperation three-point shot na may natitira na lamang na 0.9 segundo para maitakas ang panalo laban sa Lyceum sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Dickies Underwear, Big Brother Banner, PRC Couriers and WG Diner.
Naganap ang kabayanihan ni Sta. Maria matapos mag-split ng kanyang free throws si Joseph Abaya upang bigyan ang Lyceum-Uratex ng 75-73 bentahe may apat na segundo na lamang ang nalalabi.
Nakatuwang ni Sta. Maria sina Alfie Martinez, na may 13 puntos, at dating Talk N Text player Orlando Daroya, na may 12 puntos para sa koponan ni coach Ricky Alcantara, na una nang natalo sa Hobe Bihon, 83-84, nung Marso 12.
- Latest
- Trending