MANILA, Philippines - May 4-1-0 win-loss-draw ring record, kasama rito ang 1 knockout, ang dating national muay thai na si Samat “3K Battery” Chaiyong ng Thailand.
Ngunit para kay Filipino international minimumweight champion Denver “The Exciting” Cuello, hindi siya nagkukumpiyansa sa kanilang 12-round, non-title fight ni Chaiyong sa Marso 27 sa Ynares Gym sa Angono, Rizal na isasaere ng GMA7.
“Magaling rin siya kasi tinalo niya yung dating world minimumweight champion na si Muhammad Rachman eh,” sabi kahapon ni Cuello sa naturang six-round, non-title fight win ni Chaiyong kay Rachman noong Enero 24.
Tinalo na ng 24-anyos na si Cuello (25-4-6, 15 KOs) ang 39-anyos na si Rachman (63-10-5, 32 KOs) via ninth-round TKO noong Setyembre 25, 2010 sa isang non-title bout sa Iligan City, Lanao del Norte.
Nakatakdang itaya ni Cuello ang kanyang suot na World Boxcing Council (WBC) International minimumweight crown laban kay Chaiyong.
Matapos talunin si Kongkrai Kiatpracha via first-round TKO noong Nobyembre 5, 2010 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ay hindi na tumigil sa kanyang pag-eensayo ang tubong Cabatuan, Iloilo.
“Pinaghahandaan ko talaga, hindi lang itong laban ko kay Chaiyong kundi sa posible kong title fight sa July,” sabi ni Cuello.
Ang panalo ni Cuello kay Chaiyong ang inaasahang maglalagay sa kanya bilang challenger ni WBC minimumweight titlist Kazuo Ioka (7-0-0, 5 KOs) ng Japan.