Patrombon huling alas ng Pinas sa Mitsubishi netfest
MANILA, Philippines - Sa suporta ng mga manonood huhugot ng lakas si Jeson Patrombon para maisakatuparan ang hangaring maging kauna-unahang boys champion ng bansa sa 22nd Mitsubishi Lancer International Tennis Championships na nilalaro sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Patrombon na lamang ang pag-asa sa kompetisyon ng host country matapos malagas ang mga unang lahok ng bansa sa kanilang laro sa first round sa boys at girls division.
Si Jurence Zosimo Mendoza ay namahinga kay Jao Chi-Shan ng Chinese Taipei, 6-3, 7-6(6); si Calvin Charles Canlas ay lumasap ng 6-0, 6-0, pagkatalo kay Juan Pablo Murra ng Mexico; at si Kyle Benjamine Parpan ay tumanggap ng 6-2, 6-1, pagyukod kay Moritani Soichiro ng Japan sa kalalakihan.
Nalagas na rin ang ilang manlalaro sa kababaihan tulad ni Tamitha Nguyen na may 6-2, 6-1, kabiguan kay Susanne Celik ng Sweden; si Anna Charice Patrimonio ay may 6-2, 6-2, pagkatalo kay Nadia Ravita ng Indonesia; si Marines Rudas ay yumukod kay Elke Lemmens ng Belguim, 6-0,7-5; si Anne Rene Castillo ay lumasap ng 6-0, 6-0, shutout pagkatalo kay Kimberley Ann Surin ng Canada; si Marian Jade Capadocia ay tumanggap ng 6-4, 6-3, pagkatalo kay Patricia Maria Tig ng Romania at si Maika Jae Tanpoco ay kinapos laban kay Klaartje Liebens ng Belguim, 6-4,4-6, 6-4.
- Latest
- Trending