MANILA, Philippines - Sinisi ng pangulo ng Philippine Aquatic Sports Association (PASA) na iniimbestigahan ngayon ng House Committee on Youth and Sports dahil sa malversation of funds, ang isang dating senador dahil sa pag-“hack” umano nito sa website ng Philippine Olympic Committee (POC).
Sinabi ni PASA president Mark Joseph sa chairman ng Philippine Sports Committee (PSC) na si Ritchie Garcia ang kanyang suspetsa na na-hack ang website ng POC at ang kanyang suspek ay si dating Senador Nikki Coseteng na aktibo sa expose laban sa PASA.
Ani Joseph, nagsuspetsa siya dahil napalitan ang kanyang username ng Sen. Nikki Coseteng. Ang senador na naglingkod ng dalawang termino ay nagulat sa akusasyon dahil ni hindi umano siya marunong gumamit ng computer, lalo pa ang mag-surf ng web at mag-hack ng website.
Kasalukuyan ng gumugulong ang imbestigasyon sa Kamara sa umano’y nawawalang P30 milyon na tinanggap ng PASA mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) noong 2008.