Laban ng Azkals kontra Myanmar sa group stage: Draw sa 1-1
MANILA, Philippines - Panalo na nakatabla pa.
Matapos ang penalty kick ni James Younghusband sa pang 70th minute, umiskor naman ang Myanmar ng goal sa stoppage time na 90th minute para sa 1-1 draw ng Philippine men’s football team na Azkals at White Angels ng Myanmar sa group stage ng 2011 AFC Chal lenge Cup kagabi sa Rangoon, Myanmar.
Sa scoring system sa group stage, ang won game ay may katumbas na 3 points, habang ang draw ay may 1 point. Ang top two teams ang aabante sa tournament proper sa susunod na taon.
Isang goal mula sa penalty kick ni James Younghusband sa pang 76th minute ng second half ang nagbigay sa Philippine men’s football team na Azkals ng malaking 1-0 panalo laban sa White Angels ng Myanmar sa group stage ng 2011 AFC Challenge Cup kagabi sa Rangoon, Myanmar.
Nabigyan si Younghusband ng pagkakataon matapos matawagan ng red card ang Myanmar sa pang 73rd minute.
Huling nagharap ang Azkals at ang White Angels sa group stage ng 2010 AFF Suzuki Cup sa Vietnam kung saan nagtapos ang laro sa goalless draw.
Para makapasok sa ‘elite eight’ ng AFC Challenge Cup sa susunod na taon, dalawang panalo sa kanilang tatlong laro laban sa Myanmar, Palestine at Bangladesh ang kailangan ng Azkals.
Susunod na makakalaban ng Azkals ang Palestine bukas sa ganap na alas-5 ng hapon bago isunod ang Bangladesh sa Biyernes sa alas-5 rin ng hapon sa Rangoon, Myanmar.
Nakapasok ang Azkals sa group stage matapos biguin ang Blue Wolves ng Mongolia via 3-2 aggregate goal.
Tinalo ng Azkals ang Blue Wolves, 2-0, noong Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City ba go nanalo ang huli, 2-1, sa kanilang ikalawang pag haharap noong Marso 15 sa Ulan Bator, Mongolia.
Si Phil Younghusband at Chieffy Caligdong ang umiskor ng dalawang goals ng Azkals noong Pebrero 9.
Sa first half, walong goal scoring attempts ng White Angels ang pinigilan ni Fil-Briton goalkeeper Neil Etheridge, hindi nakalaro sa 1-2 kabiguan ng Azkals sa Blue Wolves ng Mongolia sa second leg sa Ulan Bator.
Samantala, inihayag naman ng ABS-CBN Sports Page na hindi na nila makukuha ang permit mula sa Myanmar Radio and Television (MRTV) para isaere nang ‘live’ ang mga laro ng Azkals.
“We regret to inform the public that at this point, ABS-CBN Sports’ contacts with the Myanmar Radio and Television (MRTV) are unlikely going to get the permit to beam the AFC Challenge Cup matches live via satellite to the Philippines,” nakasaad sa statement ng ABC-CBN. “Negotiations are now underway for the broadcast rights and tape copies of MRTV’s coverage of the Azkals’ matches in Yangon.”
Ang ABS-CBN ang nagsaere ng dalawang laro ng Azkals laban sa Blue Wolves ng Mongolia sa Panaad Stadium sa Bacolod City noong Pebrero 9 at sa Ulan Bator, Mongolia noong Marso 15.
Naglaro naman sa unang pagkakataon ang bagong hugot na si Filipino-Spanish striker Angel Guirado Aldeguer.
Ang mga miyembro ng starting XI ay sina Rob Gier, Anton Del Rosario, Roel Gener, Ray Jonsson, Simon Greatwich, Aly Borromeo, James Younghusband, Chieffy Caligdong at Ian Araneta.
- Latest
- Trending