MANILA, Philippines - Nagwakas na ang kamalasan ng Express, habang nagsisimula na itong maranasan ng Elasto Painters.
Sinamantala ng Air21 ang pagkalito sa depensa ng Rain or Shine sa dulo ng fourth quarter para kunin ang 94-92 panalo sa elimination round ng 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Humakot si import Alpha Bangura ng game-high 41 points at 11 rebounds para sa ikalawang panalo ng Express matapos mahulog sa isang four-game losing slump at makasilip ng tsansa sa playoffs.
“Masarap ang feeling, at least we got over the hump,” sabi ni coach Bong Ramos, nakahugot ng 18 points kay Dondon Hontiveros at 10 kay Reed Juntilla. “Hopefully, we continue to win and execute well.”
May 2-4 baraha ngayon ang Air21 kagaya ng Derby Ace at Powerade sa ilalim ng Smart-Gilas Pilipinas (5-0), Talk ‘N Text (5-1), Alaska (4-2), Barangay Ginebra (3-2) at Rain or Shine (3-3) kasunod ang San Miguel (1-4) at Meralco (1-4).
Hindi nagbigay ng foul ang Elasto Painters ni Yeng Guiao sa huling limang segundo ng laro at inubos ni Bangura ang oras sa pagdribol.
Pinangunahan ni NBA veteran Hassan Adams ang Elasto Painters, nasa kanilang three-game losing skid ngayon, sa kanyang 27 markers kasunod ang 16 ni Gabe Norwood at 12 ni Doug Kramer.
Air21 94 - Bangura 41, Hontiveros 18, Juntilla 10, Seigle 6, Urbiztondo 4, Artadi 4, Pena 4, Najorda 3, Reyes 2, Sharma 2, Gonzales 0, Avenido 0, Arboleda 0.
Rain or Shine 92 - Adams 27, Norwood 16, Kramer 12, Vanlandingham 9, Jazul 9, Belga 7, Uyloan 3, Rodriguez 3, Cruz 2, Arana 2, Ferriols 2, Chan 0, Buenafe 0, Ibanes 0.
Quarterscores: 21-26, 50-50, 72-69, 94-92.