^

PSN Palaro

Laro ng Azkals laban sa White Angels hindi maipapalabas mula sa Myanmar?

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Posibleng hindi mapanood ng mga Pinoy ang laro ng Philippine men’s football team na Azkals laban sa White Angels ng Myanmar sa Marso 21 sa Yangon, Myanmar.

Ito ay dahilan sa kabiguan ng MRTV, ang Myanmar television arm at official coveror ng football matches, na makakuha ng required permit para isaere ang laban ‘live via satellite’.

Hanggang kahapon ay wala pa ring sagot mula sa MRTV ang Philippine Football Federation (PFF) at media partner ABS-CBN.

“If a live satellite feed would not be possible, the PFF and ABS-CBN shall exhaust all means to secure a tape of the coverage and play it back at the earliest possible time,” nakasaad sa official statement ng ABS-CBN.

Ang ABS-CBN ang siyang nagsaere ng ilang laban ng Azkals sa nakaraang 2010 AFF Suzuki Cup.

Sinundan ito ng pagpapalabas sa dalawang laban ng Azkals kontra Blue Wolves ng Mongolia sa Panaad Stadium sa Bacolod City noong Pebrero 8 at sa Ulan Batoor, Mongolia noong nakaraang Martes.

Umabante ang Azkals sa group stage ng AFC Challenge Cup mula sa kanilang 3-2 aggregate score.

Tinalo ng Azkals ang Blue Wolves, 2-0, sa Panaad Stadium, habang natalo naman sila sa Ulan Batoor, 1-2.

Nakatakdang umalis kahapon ang Azkals patungong Yangon, Myanmar para sa kanilang laro bukas kung saan hindi makakalaro si striker Phil Younghusband kontra White Angels dahil sa kanyang hamstring injury.

 “Mayroon akong hamstring tear sa likod ng hita. Sobrang disappointed ako,” ani Younghusband. “Sobrang malungkot ako kasi hindi ako makakalaro sa Myanmar.”

Nakuha ni Younghusband ang naturang hamstring injury sa second half ng kanilang laban ng Blue Wolves sa Mongolia.

Magbabalik naman sa Azkals sina goal keeper Neil Ehteridge, Fil-Brit Rob Gier, Fil-Danish Nasi Gerry Lucena at Fil-Germans William Espinosa at Patrick Hinrickson.

Ang Palestine ang makakatapat ng Azkals sa Miyerkules at sa Biyernes ang Bang­ladesh. Ang dalawang panalo sa tatlong laro ng Azkals ang magpapasok sa kanila sa main draw ng AFC Challenge Cup sa 2012.

“Massive 3 games next week! Thank you for your continous support for the team everyone,” sabi naman ni Aly Borromeo sa kanyang Twitter account. “We’ll continue to make you guys proud.”

Inalala naman ni Fil-German Simon Greatwitch ang pagbabawal ng Myanmar sa mga laptops at mobile phones.

“Seriously ... no laptops/phones allowed in Myanmar. How am I going to survive! ,” ani Greatwitch sa klanyang Twitter.

ALY BORROMEO

ANG PALESTINE

AZKALS

BACOLOD CITY

BLUE WOLVES

CHALLENGE CUP

MYANMAR

PANAAD STADIUM

ULAN BATOOR

WHITE ANGELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with