Weinstein papagitna sa away nina Donaire, Arum

MANILA, Philippines –  Si mediator/retired jud­ge Daniel Weinstein ang muling mamamagitan sa le­gal battle nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar Dela Hoya ng Gol­den Boy Promotions ka­ugnay kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr.

Si Weinstein ang na­ging mediator rin sa naging agawan nina Arum at Dela Hoya kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Bagamat hanggang Hun­yo 26 pa ang kani­lang promotional contract sa Top Rank, pumirma si Donaire, ang bagong world bantamweight champion, ng isang exclusive multi-year term sa Golden Boy kamakalawa.

Ayon kay Arum, may kon­trata pa ang 28-anyos na si Donaire sa Top Rank hanggang sa susunod na taon dahil sa kanilang ops­yon na one-year entension bilang promoter.

“We have a valid contract and there’s an anti-poaching provision in our arrangement with Golden Boy, so Judge Weinstein will have to adjudicate that,” sabi kahapon ni Arum. “Our contract prevails.”

Nauna nang sinabi ni Do­naire, ang bagong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight king, na nilabag ng Top Rank ang kanilang kasunduan kung saan tatlong beses sa isang taon dapat siya lu­maban.

Pitong laban lamang ang naibigay ng Top Rank kay Donaire, ang pinakahuli ay ang pag-agaw nito kay Fernando Montiel ng mga hawak na WBC at WBO bantamweight belts via second-round TKO noong Pebrero 19 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Ne­vada.

Sinabi naman ng 79-an­yos na si Arum na hindi niya naikuha ng laban ang tubong Talibon, Bohol dahi­lan sa mga hand injuries nito na naging daan sa kan­yang six-month at four-month suspensions ng bo­xing regulators.

“By that, we’re just star­ting our third year with him; there’s been no breach. We’ll clear this up. He’ll pro­bably come back into our fold,” wika ni Arum.

Gustong ilaban ni Arum si Donaire, may 26-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs, sa isang unification fight kina Mexican-born IBO at WBC silver belt king Abner Mares (21-0-1, 13 KOs) at African two-time IBF champion Joseph Agbeko (28-2, 22 KOs).

Nauna nang umatras si World Boxing Association (WBA) bantamweight titlist Anselmo Moreno ng Panama (30-1-1, 10 KOs) para sa kanilang unification fight ni Donaire sa Ma­yo 28. 

Show comments