3 GMs nagkumpirma ng lahok sa Nat'l Inter-Province chessfest

MANILA, Philippines - Tatlong mahuhusay na manlalaro ng bansa--sina GMs Wesley So, Mark Paragua at John Paul Gomez ang nagkumpirma na ng kanilang paglahok sa 2011 National Inter-Pro­vince chess team championship na nakatakda sa April 1-5 sa Cabagnot Training Center sa Kalibo, Aklan.

Babalikatin ni So, ang highest-rated player ng bansa na may ELO na 2667, ang Tagaytay City ni Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, habang mangunguna naman si Paragua sa kampanya ng Misamis Oriental sa limang araw na kompetisyon.

Babanderahan naman ni   Gomez ang kampanya sa pagpapanatili ng kani­lang korona ang LWUA-Quezon City A.

 Ang iba pang nagpasa­bi ng lahok ay ang Palawan, Oriental Mindoro, Iloilo Province, Antique, Pampanga, Laguna, Rizal, Bohol, Capiz syempre Aklan, Sulong Roxas City, LWUA-Quezon City B at C, DAR- Quezon City, PNP- Quezon City, Makati City, Bacolod City, Iloilo City, Passi City at iba pang siyudad at probinsiya sa Visayas at Mindanao.

Para sa detalye at request para sa formal invitation ay tumawag lang sa NCFP secretariat sa tel. 02-3817224, o cell 0949-1760889 at 0929-2266210, o mag-email sa NCFPsecretariat@yahoo.com/hambalosin@yahoo.com.

Show comments