^

PSN Palaro

3 GMs nagkumpirma ng lahok sa Nat'l Inter-Province chessfest

-

MANILA, Philippines - Tatlong mahuhusay na manlalaro ng bansa--sina GMs Wesley So, Mark Paragua at John Paul Gomez ang nagkumpirma na ng kanilang paglahok sa 2011 National Inter-Pro­vince chess team championship na nakatakda sa April 1-5 sa Cabagnot Training Center sa Kalibo, Aklan.

Babalikatin ni So, ang highest-rated player ng bansa na may ELO na 2667, ang Tagaytay City ni Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, habang mangunguna naman si Paragua sa kampanya ng Misamis Oriental sa limang araw na kompetisyon.

Babanderahan naman ni   Gomez ang kampanya sa pagpapanatili ng kani­lang korona ang LWUA-Quezon City A.

 Ang iba pang nagpasa­bi ng lahok ay ang Palawan, Oriental Mindoro, Iloilo Province, Antique, Pampanga, Laguna, Rizal, Bohol, Capiz syempre Aklan, Sulong Roxas City, LWUA-Quezon City B at C, DAR- Quezon City, PNP- Quezon City, Makati City, Bacolod City, Iloilo City, Passi City at iba pang siyudad at probinsiya sa Visayas at Mindanao.

Para sa detalye at request para sa formal invitation ay tumawag lang sa NCFP secretariat sa tel. 02-3817224, o cell 0949-1760889 at 0929-2266210, o mag-email sa [email protected]/[email protected].

AKLAN

BACOLOD CITY

CABAGNOT TRAINING CENTER

CITY

ILOILO CITY

ILOILO PROVINCE

JOHN PAUL GOMEZ

MARK PARAGUA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with