Pacquiao sinimulan na ang pagsasanay sa Baguio

BAGUIO CITY ,Philippines -- Sinimulan kahapon ni Filipino bo­xing great Manny Pacquiao ang kanyang high-altitude training matapos dumating dito noong Linggo ng gabi.

Kaagad na sumabak si Pacquiao sa road runs sa Burnham Lake para pa­lakasin ang kanyang re­sistensya bilang paghahanda sa kanilang laban ni 5-time world champion Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Halos 15 rounds ang ginawa ni Pacquiao sa naturang 400-meter Burnham Lake kung saan pinilit ng ilang morning joggers na sumabay ngunit hindi rin nakatapos.

Isang midd-afternoon in-door mitt rounds sa Sha­pe-up Gym sa Cooye­san Hotel sa Naguillan Road na siyang magiging permenan­teng gym ni Team Pacquiao na kan­yang pi­nagsanayan para sa pagha­handa kina Miguel Cotto and Antonio Marga­rito noong nakaraang taon.

Sinabi ni trainer Buboy Fernandez na perpekto kay Pacquiao ang pagsasanay sa Baguio City.

Kasama sa training ni Pacquiao sina lightweight David Rodela at unbeaten welterweight Shawn Porter bilang mga sparring partners ng Filipino boxing sensation.

Kabilang rin sa Team Pacquiao ang mga alaga ni trainer Freddie Roach na sina Amir Khan at Anna Julaton.

Show comments