Pacquiao sinimulan na ang pagsasanay sa Baguio
BAGUIO CITY ,Philippines -- Sinimulan kahapon ni Filipino boxing great Manny Pacquiao ang kanyang high-altitude training matapos dumating dito noong Linggo ng gabi.
Kaagad na sumabak si Pacquiao sa road runs sa Burnham Lake para palakasin ang kanyang resistensya bilang paghahanda sa kanilang laban ni 5-time world champion Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Halos 15 rounds ang ginawa ni Pacquiao sa naturang 400-meter Burnham Lake kung saan pinilit ng ilang morning joggers na sumabay ngunit hindi rin nakatapos.
Isang midd-afternoon in-door mitt rounds sa Shape-up Gym sa Cooyesan Hotel sa Naguillan Road na siyang magiging permenanteng gym ni Team Pacquiao na kanyang pinagsanayan para sa paghahanda kina Miguel Cotto and Antonio Margarito noong nakaraang taon.
Sinabi ni trainer Buboy Fernandez na perpekto kay Pacquiao ang pagsasanay sa Baguio City.
Kasama sa training ni Pacquiao sina lightweight David Rodela at unbeaten welterweight Shawn Porter bilang mga sparring partners ng Filipino boxing sensation.
Kabilang rin sa Team Pacquiao ang mga alaga ni trainer Freddie Roach na sina Amir Khan at Anna Julaton.
- Latest
- Trending