^

PSN Palaro

Kenyans sa DZMM Takbo Para Sa Karunungan

-

MANILA, Philippines - Hinakot ng mga banya­gang mananakbo mula sa bansang Kenya ang mga tropeo sa ginanap na DZMM Takbo Para Sa Karunungan kahapon (Mar 13) sa Quirino Grandstand sa Maynila, kung saan ti­natayang 4,000 ang luma­hok.

Ang 24-anyos na si Josphat Kiptanui ang nag-uwi ng pinakamalaking prem­yo matapos tapusin ang 25km race sa loob lamang ng 1 oras, 19 minuto at 53 segundo (01:19:53). Samantalang ang Pinay na si Joan Banayag (01:44:43) naman ang nanguna sa mga babae.

Sa 10km race para sa lalaki, mga kababayan din ni Kiptanui ang nanaig. Sina 3rd-placer Stanley Ting (31:45), 2nd placer James Talcam (31:41), at 1st pla­cer Eliud Kering (31:15).  Kenyan din ang nauna sa 10km race para sa babae. Sina Peris Poywo (41:43) at Irine Kipchumba (39:59) ang numero dos at uno, samantalang pumapangatlo ang Pinay na si Janette Agura (43:11).

Ito ang ika-12 na taon ng fun run ng DZMM na nagdiriwang din ng ika-25 anibersaryo nito ngayong 2011. Ilan sa kilalang personalidad na nakilahok sina ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III, ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi, dating Vice-President Noli “Kabayan” De Castro, at ang artistang si Karylle. Dumaan din ang alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim upang magbigay ng suporta.

CHAIRMAN EUGENIO

DE CASTRO

ELIUD KERING

IRINE KIPCHUMBA

JAMES TALCAM

JANETTE AGURA

JOAN BANAYAG

JOSPHAT KIPTANUI

MANILA RADIO DIVISION HEAD PETER MUSNGI

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with